2 todas, 11 grabe sa road mishap

Dalawa ang natodas, samantala, labing-isa pa ang malubhang nasugatan sa naganap na road mishap sa magkahiwalay na highway sa Barangay Comon, Infanta, Quezon at Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na sina Michael Rosales, 26 ng Brgy. Poblacion Santilan, Infanta, Quezon at Manuel Tolentino, 19 ng San Ildefonso, Bulacan, samantala, ang grabeng nasugatan ay sina Odon Olivia, 46, Rommel Pormaran, Rommel Batusin, 17; Mar dela Cruz, 36; Edgardo Manansala, 20; Edgardo Reyes, 20; Gilbert Baquiran, 27 at apat pang hindi nabatid ang pangalan na ngayon ay nasa Claro M. Recto District Hospital sa Quezon.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang unang aksidente dakong alas-9:30 ng gabi matapos na salpukin ng pampasaherong jeepney (URA-751) ang trike (NA-1055) nina Rosales.

Kasunod nito, sinalpok naman ng truck (TJY-734) ang trike ni Tolentino dakong alas-11:30 ng gabi patungo sa Plaridel mula sa San Ildefonso, Bulacan. - (Ulat nina Tony Sandoval at Efren Alcantara)

Show comments