5 nawawala, 15 nailigtas sa lumubog na bangka
April 9, 2002 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Lima katao ang iniulat na nawawala at pinaniniwalaang nalunod, samantala, aabot sa labinlima naman ang nailigtas makaraang lumubog ang bangkang-de-motor na sinasakyan ng mga biktima sa karagatang sakop ng Barangay Mangile, Jose Abad Santos, Davao del Sur kamakalawa ng madaling-araw.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, kinilala ang mga pinaghahanap na nawawalang biktima na sina Maridel Castro, Jogelyn Alvarez, 22; An-an Bua; Francisco Mercader; Alberto Casiem, 8 na pawang residente ng Barangay Calibay sa bayan ng Jose Abad Santos.
Napag-alaman sa ulat na kasalukuyang naglalayag ang bangkang MBCA na pag-aari ni Frankie Gallas patungong Barangay Calibay mula sa Barangay Miita nang salpukin ng malaking alon dakong ala-una ng madaling-araw.
Kaagad namang namataan ng ilang mangingisda ang papalubog na bangka na may 300 metro lamang ang layo sa dalampasigan ng Barangay Mangile kaya nailigtas naman ang labinlimang pasahero.
Patuloy naman na nagsusumikap ang search and rescue operation sa limang biktima na pinalalagay na nalunod. (Ulat nina Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest