P8-M shabu nasamsam sa 21 katao
April 7, 2002 | 12:00am
CAMP FERMIN LIRA, General Santos City Tinatayang aabot sa halagang P8 milyon ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawamput-isa katao makaraang magsagawa ng biglaang pagsalakay ang pinagsanib na puwersa ng mga ahente ng 12th Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), 12th Regional Anti-Narcotics Group at General Santos City PNP ang dalawang bahay sa Purok 1 sa Barangay Buayan sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga nasakoteng suspek na sina Jomer Ali, 32; Mentatu Tutin, 35; Mama Ayunan, 40; Kedpo Delawanga; Makalangan Blah, 22; Toks Pama, 41; Damalan Blah, 45; Danil Blah, 17; Sulaiman Sansaluna, 34; Shon Guomola, 19; Rusel Acuña, 27; Abigail Aquino, 22; Halima Suib, 18; Rashed Mangapil, 21; Arkia Maruhompema, 29; Ruben Guimola; Rosite Eros; Brahim Jab, 19; Rex Elda; Roderick Dequito, 31; Sonny Saavedra, 29.
Sinabi ni P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao PNP director, isinagawa ang raid dahil sa ipinalabas na search warrant ni Judge Jose Bersales ng MTCC Branch 2 at Judge Antonio Lubao ng RTC Branch 22.
Nasamsam ang ibat ibang uri ng baril at umabot sa dalawang kilong shabu ang nasamsam sa isinagawang raid dakong alas-5:30 ng umaga, samantala, nakatakas naman sina Kagui Punto, Andong Alang, Kusan Bravo, Toks Alang at Tato Torres na pawang kilabot na tulak. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended