Dahil sa tulong ng mga residente ay nadakip ang tatlong tauhan ni Amil na mas kilala sa pangalang Commander Ramji dakong alas-4 ng hapon sa kanilang safehouse, samantala, tatlo pa nitong kasamahan ay mabilis naman nakatakas sa naganap na sagupaan.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng tatlo na nakumpiskahan ng 2 motorsiklo, 3 armalite rifles, 3 mobile phones at extortion letters na lumalabas na mga miyembro sila ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, ang grupo ni Ramji ay siyang responsable sa pagdukot kay Italian priest Giuseppe Pierantoni noong Oktubre 17, 2001 sa bayan ng Dimataling. (Ulat ni Joy Cantos)