Pormal na nagsampa ng reklamo sa NBI ang tatlo sa mga nabiktima ng suspek na sina Nancita H. del Rosario ng Brgy. Pandan, Angeles City at may-ari ng Del Rosario travel agency sa Balibago, Angeles City; Norma Timbol; Gil "Bong" Indiongco at Roman Mallari na may-ari naman ng R.M. travel exponents sa Mendoza Bldg. ng nabanggit ding lugar.
Napag-alaman sa sinumpaang salaysay ng mga biktima, sina Norma Timbol at Indiongco ang tumatayong mga ahente nina Del Rosario at Mallari upang mag-recruit ng mga mabibiktimang aplikante patungo sa America sa halagang P320,000 bawat isa kapalit ng US visa.
Ayon sa mga biktima na matapos na makapagbayad ng malaking halaga kapalit ng trabaho sa US ay pinangakuan silang makakaalis nitong nakalipas na Dec. 9, 2001, subalit kinansela ni Del Rosario ang flight sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Ipinakita rin sa mga biktima ang kanilang mga passport na may US visa ngunit ito ay pawang mga xerox copy lamang at hindi orihinal kaya naghinala ang mga biktima na nadale sila ng illegal recruiter na naging sanhi upang ireklamo ang pangyayari sa kinauukulan. (Ulat ni Brian Onofre)