^

Probinsiya

Semana Santa tragedy: 3 katao, 1 grabe sa truck na bumaligtad

-
Tatlo katao ang kinalawit ni Kamatayan, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyang truck ng mga biktima sa kahabaan ng highway sa bayan ng Malapatan, Saranggani, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Maria Luz Silva, Ryan Ojacastro at Carlos Pananinan.

Kinilala naman ang nasa kritikal na kondisyon na si Lyn-Lyn Padiron na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pinakamalapit na pagamutan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:15 ng hapon habang ang mga biktima ay lulan ng isang truck na pag-aari ng negosyanteng si Judy Silva nang maganap ang malagim na sakuna sa Lower Kiumpo, Brgy. Kinam, Malapatan sa nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang manibela ng truck hanggang sa sumalpok ito sa isang malaking puno at tuluyang tumaob na siyang ikinasawi ng mga biktima.

Mabilis namang nagresponde ang isang team ng Alpha Company ng Army’s 27th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Cpl. Jovener Raymundo at tinulungang maiahon ang mga bangkay habang dinala naman ang nasugatan sa pinakamalapit na pagamutan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALPHA COMPANY

CARLOS PANANINAN

INFANTRY BATTALION

JOVENER RAYMUNDO

JOY CANTOS

JUDY SILVA

LOWER KIUMPO

LYN-LYN PADIRON

MALAPATAN

MARIA LUZ SILVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with