Rapist nakonsensiya, nag-harakiri

BINANGONAN, Rizal – Mas ninais pa ng isang 53-anyos na lalaki na suspek sa panggagahasa sa isang babaeng may kapansanan sa pag-iisip na magsuicide kaysa madakip ng pulisya nang magharakiri ito ngunit nabigo naman nang maisugod sa pagamutan, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Ang suspek na nagtamo ng malalim na saksak sa kanyang sikmura ay si Leon Figuracion ng Brgy. Habagatan, Talim Island ng bayang ito.

Nadakip ang suspek sa kanyang bahay sa Don Bosco St., Brgy. Mapayapad, Calamba, Laguna ng mga elemento ng Rizal Criminal Investigation and Detection Group (RCID) sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felix Adanzo ng Binangonan RTC Branch 67.

Sa record ng korte, nabatid na ginahasa ng suspek ang mentally retarded na 22-anyos na dalagang kapitbahay noong nakaraang taon bago binigyan ng pera.

Nabatid lamang ng mga magulang ng biktima ang nangyari nang magtanong ito kung bakit marami itong pera. Pautal-utal na sinabi nito ang pangyayari.

Isang impormante naman ang nagbigay ng lugar ng pinagtataguan ng suspek saka nadakip. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments