2 alkalde kinasuhan ng Ombudsman
March 25, 2002 | 12:00am
Dalawang alkalde mula sa magkaibang lalawigan ang kinasuhan ng katiwalian ng Ombudsman sa Sandiganbayan.
Nahaharap ngayon sa kasong malversation at technical malversation sina Cebu Mayor Virginio E. Villamor at Culasi, Antique Mayor Linda C. Palacios.
Kabilang din sa kinasuhan ay sina Dinah C. Barriga, municipal accountant ni Villamor at security officer ni Palacios na si Vic Venturanza.
Si Villamor ay kinasuhan dahil sa maling paggamit ng pondo na nagkakahalaga ng P23,047.20, samantala, si Palacios naman ay inakusahang humingi ng salapi sa Grace Superficial of L.S. Gamotin Construction na gumagawa ng mga kalsada sa Culasi, Antique. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest