Marino dinedo sa balitaktakan sa trapiko
March 23, 2002 | 12:00am
IMUS, Cavite Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na marino ng mag-aama dahil lamang sa balitaktakan sa trapiko sa Barangay Anabu 1 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng 21 tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Teddy Barco, may asawa ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang mga suspek na kaagad na tumakas matapos isagawa ang krimen ay nakilalang sina Guillermo Silla, dating brgy. chairman; Froilan Silla, brgy. kagawad at Paulino Silla, na pawang mga residente rin ng naturang lugar.
Sa ulat ni PO1 Frederick Esguerra na isinumite kay P/Sr. Insp. Eduardo Untalan, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang krimen dakong alas-6 ng gabi makaraang makipag-balitaktakan ang biktima kay Paulino Silla sa simpleng trapiko.
Nagkaroon nang suntukan sa pagitan ng dalawa hanggang payapain ng mga opisyal ng brgy., ngunit biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng Toyota Corolla (DGJ-618) at kaagad na pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima saka nagsitakas. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest