NPA raid: 3 patay, 3 pa grabe
March 23, 2002 | 12:00am
LUPAO, Nueva Ecija Nalagas ang dalawang kawal ng pamahalaan at isang rebeldeng NPA, samantala, tatlo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salakayin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang military detachment ng 71st Infantry Battalion ng Phil. Army sa Barangay Agupalo Este sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Lupao PNP ang mga nasawing biktima na sina Pfc. Roy Fabros at CAA George Campullo, Jr., na kapwa miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit at isang hindi pa nakikilalang rebelde.
Samantala, ang mga malubhang nasugatan na ngayon ay nasa Heart of Jesus hospital sa San Jose City ay sina Lito Campullo, Arnold Almirol at George Campullo, Sr., na pawang miyembro rin ng CAFGUs.
Lumalabas sa imbestigasyon, bandang alas-11 ng gabi ng pumasok sa nabanggit na kampo ang ilang rebelde na nagpanggap na mga sundalo ngunit sinita ng dalawang biktima.
Ngunit sa halip na sumagot ay kaagad na pinaputukan ang mga biktima na naka-guwardiya sa gate ng nabanggit na kampo.
Dito na sumiklab ang engkuwentro na tumagal ng isang oras at habang nasa kainitan ng bakbakan ay sinunog naman ng mga rebelde ang 4 na bunkers ng mga sundalo saka tinangay sa pagtakas ang M-16 rifle, 3 garand rifle at hindi mabatid na bilang ng bala. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest