^

Probinsiya

Dalaga nanlaban sa rapist, kritikal

-
PAOMBONG, Bulacan – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 17-anyos na babae makaraang manlaban sa kapitbahay na rapist na nagresulta upang pagsasaksakin siya sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Buga, Brgy. San Isidro ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kaagad naman tumakas ang suspek na nakilalang si Marvin Telesporo matapos na mabigong isagawa ang maitim na balak sa biktimang itinago sa pangalang Melanie.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Omar Israel, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari dakong alas-10:30 ng gabi habang ang biktima ay nag-iisang nanonood ng telebisyon sa kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek na isasagawa sana ang panghahalay ngunit nanlaban ang dalaga kaya pinagsasaksak ng patalim. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BRGY

BULACAN

EFREN ALCANTARA

KAAGAD

KASALUKUYANG

MARVIN TELESPORO

MELANIE

OMAR ISRAEL

SAN ISIDRO

SITIO BUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with