Jeep nahulog sa bangin; 1 patay, 3 sugatan
March 18, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Isang 39-anyos na jeepney driver ang iniulat na napatay, samantala, tatlo pa nitong kasamahan ay nasugatan makaraang mawalan ng kontrol at mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong jeepney sa Tacong, Camp 3, Tuba, Benguet noong Biyernes ng gabi.
Idineklarang patay sa Baguio General Hospital and Medical Center si Ronnie L. Chantico ng Bugallon, Aurora Hill, Baguio City, samantala, ang mga nasugatang biktima ay nakilalang sina Lenito M. Basco, 25, ng Bolasi, San Fabian, Pangasinan; Anthony N. Rosario, 25, ng Mabilao, San Fabian, Pangasinan at Dondy T. Puntawe, 28 ng Amtal, Dagupan, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, bago nahulog ang sasakyan ng mga biktima ay sumabit pa ito sa malaking sanga ng punong-kahoy ng 10 minuto saka nahulog. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest