Kumanta ng ‘My Way’ todas

BALATAN, Camarines Sur – Isa na namang lalaki ang nakalawit ni kamatayan dahil sa pagkanta ng ‘My Way’ makaraang pagsasaksakin sa loob ng Balderas videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Barangay Siramag sa bayang ito.

Idineklarang patay sa Bicol Medical Center si Gilbert Belmonte, 26, may asawa ng Brgy. Duran, samantala, ang suspek na tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Bobby Segovia, 27, may asawa ng Burias, Masbate.

Naganap ang krimen bandang alas-4:50 ng madaling-araw makaraang mairita ang suspek na lango na sa alak sa kinakanta ng biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments