Trader todas sa ambush

JAEN, Nueva Ecija – Isang negosyanteng lalaki ang napaulat na nasawi makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Sitio Campugo, Brgy. Sto. Tomas South ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Mallari Clinic si Fernando Hipolito y Pineda, 38, may asawa ng Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Danilo Eduardo, tinambangan ang biktima dakong alas-8 ng umaga habang papasok ng kanyang shop sa Poblacion ng dalawang killer na sakay ng Honda TMX motorcycle na walang plaka saka tumakas sa direksyon ng Sta. Rosa, Nueva Ecija. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments