Army officer masisibak sa pagkamatay ng pusa
March 11, 2002 | 12:00am
DUPAX DEL SUR, Nueva Vizcaya Dahil sa pagbili ng sugatang civet cat (Musang) na itinuturing na nasa listahan ng endengered species ng isang Army corporal ay nalalagay ngayon siya sa balag ng alanganin na posibleng maapektuhan ang nakaantabay na promotion makaraang mamatay ang nabiling pusa sa kanyang pangangalaga.
Sinabi ni Lt. Col. Felix Calimag, commanding officer ng Armys 54th Infantry Battalion, nasayang ang serbisyo at promotion ni Army Corporal Virgilio Manabat dahil lamang sa pagbili nito ng civet cat sa isang local enterprising hunter.
Ayon pa kay Calimag na lingid kay Manabat, ang nabili niyang exotic cat na tinaguriang musang (Macrogalidia Musshenbroeki) ay endangered species at sa ilalim ng umiiral na batas sa kasalukuyan ay protektado ng Republic Act 9147 (Wildlife Conservation and Protection Act of 2001).
Ayon sa nabanggit na batas, ipinagbabawal ang pumatay, manugat, transporting, selling, collection of wildlife na classified na endengered species.
Sinumang tao na lumabag sa nabanggit na batas ay papatawan ng parusang pagkakulong ng 12 taon at pagmumultahin ng P1 milyon.
Inamin naman ni Manabat na nabili niya ang musang na kulay itim sa halagang P250 noong Feb. 28 na may sugat sa kaliwang paa mula kay Ernesto Abangan, isang kilalang hunter na umamin din na nahuli niya ang pusa sa mgubat na bulubundukin ng naturang lugar.
Namatay naman ang musang habang dala-dala ni Manabat upang pasalubong sa kanyang pamilya sa Nueva Ecija na pinaniniwalaang magtataboy ng "evil spirits". (Ulat ni Charlie Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest