Nagtamo ng anim na tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat ibang bahagi ng katawan si Domingo Velasco, 42, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na nilapitan ang biktima ng dalawang armadong lalaki dakong alas- onse ng gabi habang nagsasagawa ng pagroronda sa kanilang barangay saka sunod-sunod na pinaputukan sa hindi pa mabatid na dahilan. (Ulat ni Ed Casulla)
Ayon kay City Fire Marshall Ricardo Racaza, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Faisal Macapantan bandang alas-dos ng madaling-araw at mabilis na kumalat sa kalapit bahay partikular na ang Muslim Mosque na nagresulta upang maapektuhan ang nabanggit na bilang ng mga residente na karamihan ay pawang mga Muslim.
Pinabulaanan naman ni Faisal ang akusasyon ng ilang residente at nagsabing sa kanyang kapitbahay nagsimuala ang apoy. (Ulat ni Ben Serrano)
Hindi mabatid na bilang ng tama ng bala ng baril ang pumasok sa katawan ni Rosalio Balbin, 45, may asawa at residente ng Barangay Bagbag 1, Rosario, Cavite, samantala, tinutugis naman ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Mario Huberos, 45 at isang alyas Jerome na kapwa magsasaka at naninirahan sa Barangay Bacao ng bayang ito.
Naganap ang krimen bandang alas-7 ng gabi makaraang magtalo ang tatlo na lango sa alak hanggang sa mauwi sa pagkairita ng dalawa sa biktima kaya pinaslang nila ito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Si Virgilio Ponce na nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa katawan ay idineklarang patay sa pinagdalhang ospital, samantala, ang suspek na tumakas ay nakilalang si Ambet Lanang na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kasalukuyang natutulog ang suspek ng magising bandang alas-dos ng madaling-araw dahil sa pag-iingay ng biktima kaya tinungo nito saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)
Kaagad namang dumulog sa himpilan ng pulisya ang driver at dalawang pahinante na nakilalang sina Raul Susana, 50; driver ng Fuzo 10-wheeler cargo truck (WLY-227), Odelon Sucdang, 44 ng Marulas, Valenzuela at Rodel Casirence, 21 ng Novaliches, Quezon City na pawang ibinaba sa Barangay Cambaog, Bustos, Bulacan makaraang harangin ng dalawang kotse na walang plaka ang kanilang sasakyan bandang alas-dos ng madaling-araw sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Efren Alcantara)