Sa ginawang pagbubulgar kahapon ni House Assistant Minority Floor Leader at Cavite Congressman Gilbert Remulla, ang pamamayagpag nang husto ng illegal na operasyon ng jueteng ay matapos umanong manahimik si self-confessed gambling lord at dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson.
Ipinahiwatig ni Remulla na tila sinasamantala ni Pineda sa kanyang illegal na aktibidades ang pagiging magkumare nila ni Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Remula, base sa pinakahuling intelligence report na nakalap nito mula sa PNP ay hindi na aktibo sa jueteng si Singson maging sa lugar nito sa Ilocos Sur, pero kumikita umano sa operasyon ng jueteng ang kapatid nitong si Bonito Singson ng P2 milyon kada araw sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Dahil dito, hiniling ni Remulla sa liderato ng Kamara na paigtingin ang batas laban sa illegal gambling sa ilalim ng kanyang panukalang House Bill 1581.
Sa ilalim nito, ang mga maintainer ng illegal gambling ay mapaparusahan ng 10 taong pagkakulong at multang hindi bababa sa P1M habang ang mga bookies at illegal gambling personnel ay limang taong pagkabilanggo at multang P100,000-P500,000.
Sa kasalukuyang umiiral na batas laban sa anti-gambling, ang maximum na penalty ay prison mayor o mula 6-12 taon at multang P6,000. (Ulat ni Joy Cantos)