5 mayor sa Abra planong itumba ng NPAs
March 3, 2002 | 12:00am
BANGUED, Abra Limang alkalde mula sa lalawigan ng Abra ang iniulat na planong itumba ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) dahil sa pagiging anti-communist.
Nagbigay ng babala si Ka Sugpo, lider ng Leonardo Pacsi Command ng NPA na nakabase sa Mt. Province na kanilang papatayin sina San Isidro mayor Zaldy Pacsa; La Paz mayor Mark Ysrael Bemos; San Juan mayor Medel Taverner; Lagayan mayor Cecilia Seares Luna at Bucloc mayor Mailed Molina.
Si Mayor Molina umano ang unang itutumba dahil sa naging dating lider ng Cordillera Peoples Liberation Army na lumaban sa NPA.
Ayon pa kay Ka Sugpo na hinatulan ang limang alkalde dahil sa pagsuporta nila sa operasyon ng militar laban sa mga rebelde at patuloy sa pagiging anti- communist.
Kasunod nito, sinabi naman ni Brig. Gen. Rodolfo Garcia, hepe ng NOLCOM na nagsasagawa na ang kanyang mga tauhan nang paniniktik sa mga ikinikilos ng mga rebelde. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest