^

Probinsiya

3 ‘Akyat-Bahay Gang’ todas sa pakikipagbarilan sa pulis

-
BACOOR, Cavite – Napatay sa pakikipagbarilan ang tatlong kilabot na "Akyat-Bahay Gang" ng mga kagawad ng pulisya makaraang makorner sa panulukan ng Addas 2 Subd. at Molino Road 2 ng bayang ito dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa.

Kasalukuyan pang bineberipika ng pulisya ang mga pangalan ng tatlong napatay na pinaniniwalaang mula sa karatig pook at dumayo upang mandugas ng tricycle at pumasok sa mga bahay sa iba’t ibang subdivision sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya na isinumite kay P/Sr. Insp. Alberto Capua, hepe ng pulisya sa bayang ito, narekober sa mga suspek ang kinulimbat na Yamaha trike (TJ-3371) na pag-aari ni Reynante Estrada; 2 baril, granada at hindi pa mabatid na halaga ng mga ari-arian at alahas na nadugas sa bahay ni Versoza Daroy ng St. Ann St. Addas 2 ng naturang lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ALBERTO CAPUA

AYON

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

KASALUKUYAN

MOLINO ROAD

REYNANTE ESTRADA

SR. INSP

ST. ANN ST. ADDAS

VERSOZA DAROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with