^

Probinsiya

54 bomba nadiskubre sa Boyscout jamboree site

-
BATANGAS CITY – Tinatayang aabot sa limampu’t apat na sinaunang bomba at rocket launchers ang iniulat na nadiskubre ng mga tauhan ng PNP Bomb Disposal Unit sa Provincial Boyscout Jamboree site sa Brgy. Bolbok sa bayang ito noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ni P/Supt. Rolando Lorenzo, Batangas PNP provincial director na ang mga vintage bomb ay nahukay sa may 14.7 ektaryang lupain na kinatatayuan ng bagong Batangas Sports Complex sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bago pa madiskubre ang 54 bomba ay may naunang nahukay na dalawang bomba ang mga nagtatayo ng tent kaya kaagad naman ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang nadiskubreng bomba.

Gayunman, nangangamba ang organizer ng Provincial Boyscout Jamboree sa nakaambang panganib laban sa mga kalahok ng nabanggit na okasyon.

Kaagad namang ipinag-utos ni P/Supt. Restito Hernandez, hepe ng pulisya sa lungsod na ito na kordonan ang mga lugar na inaakalang delikado.

Pinayuhan din ni Hernandez ang lahat ng kalahok sa Jamboree na manatili na lamang sa mga piling lugar upang maiwasan ang aksidente. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS

BATANGAS SPORTS COMPLEX

BOLBOK

BOMB DISPOSAL UNIT

PROVINCIAL BOYSCOUT JAMBOREE

RESTITO HERNANDEZ

ROLANDO LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with