Binawian ng buhay sa Metropolitan Doctors Medical Clinic ang biktimang si Linn Man Bun Bunny na pansamantalang naka-check-in sa Mansor Beach Resort sa Sitio Angol, Brgy. Manoc-Manoc ng naturang lugar.
Sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pangyayari bandang alas-12 ng tanghali matapos na magkasabay na sumakay at paandarin ang jetski ng biktima at anak na si Liu, 35, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang mag-ama.(Ulat ni Joy Cantos)
Ang biktima na napuruhan sa mukha ay nakilalang si Archie Dela Cruz, jobless ng City Homes ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na kaagad namang nadakip ay nakilalang si Jeffrey Gelua, 20, may asawa ng Block 15 Lot 32 Lagerfield St., Molino Homes 3 ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jose Basto, naganap ang pangyayari bandang ala-1 ng madaling-araw matapos na sigawan ng suspek ang biktima hanggang sa maghamunan ng suntukan na ikinasawi naman ni Dela Cruz. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Kinilala ng Cabanatuan police ang biktima na si Gilbert Gutierrez, isang water collector, may asawa ng Brgy. Bangad, samantala, ang driver naman ng trike ay nakilalang si Waldo Salvador, 31 ng nabanggit ding barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, aksidenteng sumalpok ang minamanehong motorsiklo (CN-3986) ni Gutierrez sa trike (RN-2532) ni Salvador saka tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa sidecar na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)