8 pulis, prosecutor sabit sa multiple murder
February 8, 2002 | 12:00am
ANGELES CITY Inihahanda na ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong multiple murder laban sa walong miyembro ng pulisya at city prosecutor dahil sa pagpatay sa tatlong kalalakihan na unang iniulat na mga miyembro ng rebelde.
Ang pagsasampa ng kasong multiple murder ay nag-ugat makaraang humingi ng tulong sa NBI ang mga kamag-anak ng tatlong pinatay na sina Arnold Mendoza, Henry Marin at Alexander Lising na pawang mga residente ng Brgy. Pandan ng naturang lugar.
Ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari, ang mga biktima ay sinalvage at hindi napatay sa shootout na unang iniulat ng walong pulis na pansamantalang hindi pa ibinubunyag ang mga pangalan.
Sinabi ni Antonio Liongson, NBI regional director sa Central Luzon, kakasuhan din nila ng administratibo ang isang city government prosecutor na umanoy nag-cover-up sa naturang kaso upang suportahan ang walong pulis.
Kabilang sa mga kinakalap na ebidensya laban sa mga akusado ay ang ilang testimonya ng ilang saksi partikular na ang autopsy sa mga bangkay ng biktima na binaril ng malapitan na naunang napabalitang nakipagbarilan sa mga awtoridad sakay ng tricycle. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended