Sinabi ni Baluyot na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng grupo ng Pentagon at sumalakay na pulisya sa pinagkukutaan ng mga kidnapper kaya naiwang sugatan si Mario Masalon ang itinuturing na senior leader ng kilabot na grupo.
Si Masalon ay responsable sa bigong pagdukot sa isang senior American executive ng Dole agricultural firm na nakabase sa Mindanao noong nakaraang linggo at pinaniniwalaan ding sangkot sa pagkidnap sa Italian priest na si Giuseppe Pierantoni noong Oktubre.
Ang grupo rin ni Masalon ang responsable sa pagdukot kay Dra. Rosemarie Agustin noong Enero 15 ng gabi sa kanyang bahay sa Gutierrez Avenue, Cotabato City.
Si Agustin ay nagmamay-ari ng Cotabatao Medical Specialist Hospital at hindi mabatid na bilang ng gasoline station sa naturang lalawigan.
Dahil sa sunud-sunod na pangyayari ay inilagay na ng gobyerno ng US ang grupo ng Pentagon na kinabibilangan ng mga rebeldeng Muslim bilang international "terrorist" organizations.