Subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa makumpirma ng pulisya kung ang kinidnap na si Chan Lin Loy, 37, alyas Joseph Chan ay pinalaya nga dahil sa patuloy na pagtanggi ng pamilya ng biktima na magbigay ng detalye sa mga awtoridad.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Chan ay kinidnap noong Enero 7 dakong alas-7:45 ng gabi makaraang lumabas sa kanyang inuupahang warehouse sa Hillside Subd. sa Barangay San Roque sa bayan ng Rosario.
Napag-alaman pa sa source ng pulisya, ang pay-off ay naganap sa bisinidad ng South Tollway Arterial Road (STAR) at Calabarzon road patungong Talisay, Batangas.
Nabatid pa na ang malaking halaga ng ransom ay inilagay na lamang ng pamilya ng biktima sa nakaparadang sasakyan saka kinuha ng mga hindi kilalang kalalakihan.
May napapaulat naman na si Chan ay nagtatago sa Metro Manila at ang iba namang ulat ay umalis na ng bansa upang iwasan ang mga kidnapper.
May Teorya ang source ng pulisya na si Chan ay pinadukot ng karibal sa negosyo o kaya naman ay may kaugnayan sa love triangle. (Ulat ni Arnell Ozaeta)