Pagsiklab ng 'jihad' pinangangambahan
January 19, 2002 | 12:00am
Pinangangambahang sumiklab umano ang madugong "jihad" o "holy war" sa rehiyon ng Mindanao sa sandaling samantalahin ng mga renegades at sympathizers ni dating ARMM Governor Nur Misuari ang nangyaring pag-pull-out sa mga tauhan ng pulisya at militar sa Jolo, Sulu.
Batay sa report, kasalukuyang nag-iipon ang puwersa ng mga nalalabing loyalista ni Misuari upang magsagawa ng terorismo sa Jolo, Sulu at mapilitan ang gobyerno na palayain si Misuari na kasalukuyang nakakulong sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Bilang reaksyon, sinabi kahapon ni PNP Spokesman at Acting Police Community Relations (PCR) Head, Chief Supt. Cresencio Maralit na walang dapat na ikabahala ang publiko partikular ang mga mamamayan ng Jolo, Sulu sa nasabing isyu dahil kontrolado umano ng puwersa ng pulisya at militar ang sitwasyon sa naturang lugar.
Minaliit din nito ang ulat hinggil sa kinatakutang "jihad" ng mga Misuari loyalists.
"Wala yon. Wala naman kaming natatanggap na ganoong intelligence report, the security in Jolo, Sulu and other areas in Mindanao are properly secured," pahayag ni Maralit. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am