2 nasalpok ng bus, todas
January 14, 2002 | 12:00am
CAMP GEN. OSCAR FLORENDO, La Union Dalawa kataong sakay ng tricycle ang iniulat na nasawi makaraang umiwas sa tumatawid na kalabaw at sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng Barangay Baleleng, Bantay, Ilocos Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Arcadio Oandasan, trike driber at pasaherong si Helen Pablico na kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, bumabagtas ang sinasakyan ng dalawang nasawing biktima nang biglang tumawid ang isang kalabaw kaya umiwas ang trike ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong nito ang rumaragasang bus.
Kasalukuyan pang sinisiyasat ng pulisya ang driber ng bus sa naganap na trahedya. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest