Killer ni Mayor Platon, nasakote
January 13, 2002 | 12:00am
BATANGAS Isang 27-anyos na miyembro ng kilabot na Bonnet Gang at rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang positibong itinuro ng nag-iisang saksi na bumaril at nakapatay kay dating Tanauan Mayor Caesar Platon makaraang madakip ng mga awtoridad sa kasong robbery hold-up noong Disyembre, 2001 sa Gumaca, Quezon.
Kinilala ng secretary ni Platon na si Nora Orpillano ang killer na si Eduardo Vidal ng Sta. Ana Crossing, San Pablo City dahil sa malaking peklat sa kaliwang braso.
"May dalawang metro lamang ang layo ko nang paluhod na barilin ni Vidal si Mayor Platon noong Mayo 7 sa isang rally sa Tuy, Batangas bago sumapit ang May 14 elections, kaya kitang-kita ko ang peklat niya sa braso," ani Orpillano.
Nabatid sa nakalap na impormasyon ng mga miyembro ng Gumaca police mula sa isa ring miyembro ng grupo ng Bonnet Gang na inamin ng suspect na siya ang bumaril at nakapatay kay Mayor Platon.
Kasalukuyan umanong magkakasamang nag-iinuman ang nabanggit na grupo ni Vidal nang isiwalat nito ang nagawang krimen, ayon pa sa ulat ng pulisya.
Dahil sa napag-alamang impormasyon ay kaagad naman kinontak ng Gumaca police ang Task Force Platon na dalhin ang nag-iisang saksi sa krimen sa Camp Guillermo Nakkar sa Lucena upang kilalanin ang suspect.
Umuugma rin ang cartographical sketches kay Vidal na ipinalabas ng Gumaca police kamakalawa.
Malakas ang paniniwala ng pulisya na may koneksiyon si Vidal sa rebeldeng NPA dahil isa sa kanyang kasamahan na nadakip din sa kasong robbery hold-up ay isang rebel returnee. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 16 hours ago
By Victor Martin | 16 hours ago
By Omar Padilla | 16 hours ago
Recommended