11 Sayyaf at Misuari loyalist patay, 4 sundalo sugatan sa encounter
January 9, 2002 | 12:00am
Apat na sundalo ang nasugatan at labing-isang miyembro ng mga rebelde mula sa nagsanib na grupong Abu Sayyaf at ng Misuari Renegade Group (MRG) ang napatay matapos na salakayin ng tropa ng militar ang kuta ng mga bandido sa lalawigan ng Sulu kahapon ng hapon.
Sinabi ni AFP Southcom Chief, Lt. Gen. Roy Cimatu na dakong alas-3:00 ng hapon nang lusubin ng mga elemento ng 2nd Scout Ranger Battalion ang kuta ng mga bandido na nagkakanlong sa nalalabing puwersa ng MRG sa Mt. Tukay sa bulubunduking hangganan ng Sitio Tubig, Samin, Brgy. Karawan sa bayan ng Indanan.
Tumagal din ng ilang minuto ang labanan na umabot hanggang sa magubat at bulubunduking hangganan ng mga bayan ng Indanan, Parang at Malimbung, Sulu.
Ayon kay Cimatu, tinatayang may 60 Abu Sayyaf at MRG forces ang nakasagupa ng tropang gobyerno sa kuta nina ASG leaders Ghalib Andang alyas Commander Robot at Commander Radulan Sahiron.
Gayunman, hindi muna tinukoy ni Cimatu ang mga pangalan ng nasugatang sundalo na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Samantala, dinala naman ang mga napatay ng mga tumakas na nagsanib na puwersa ng Abu Sayyaf at Misuari renegade sa hindi binanggit na lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
5 hours ago
Recommended