^

Probinsiya

Truck ng relief goods nahulog sa bangin, 6 grabe

-
Anim katao ang naiulat ang grabeng nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang kanilang dump truck na puno ng mga relief goods para sa mga naging biktima ng mga pagbaha habang bumabagtas sa national highway ng Real,Quezon,kamakalawa.

Dalawa sa mga nasugatang biktima ay nakilalang sina Avelino Ramirez,truck driver at Edison Masayao,isang magsasaka na inararo ng truck na nahulog sa bangin.Ang mga ito ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at ibang parte ng katawan.

Nabatid na ang ilan sa mga nasugatan ay kaanak ni Masayao habang ang iba naman ay helper ni Ramirez.

Base sa report,naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon habang binabaybay ng nasabing truck ang nasabing kalye nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver at tuloy-tuloy na bumulusok sa bangin.

Gumulong ang truck sa bangin at nahagip ang ilang kabahayan doon na naging sanhi ng pagkasugat ng mga residente. (Ulat Joy Cantos)

vuukle comment

AVELINO RAMIREZ

DALAWA

EDISON MASAYAO

GUMULONG

MASAYAO

NABATID

QUEZON

RAMIREZ

ULAT JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with