4 magkakapatid hinalay ng ama at kuya

DASMARIÑAS - Personal na nagtungo kahapon sa himpilan ng pulisya ang dalawang magkapatid na babae upang ipagharap ng reklamo ang kanilang ama at kuya na umano'y humalay sa kanila at sa dalawa pa nilang paslit na kapatid sa loob ng kanilang tahanan sa Bautista property.

Itinago ang mga biktima sa pangalang Karen,19; Gina, 9; na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Mama's Haven Hope at dalawa nilang paslit na magkapatid na sina Lyka,7 at Annie,6 na nasa kanlungan naman ng kanilang ina.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong rape at posibleng mabitay kung sakali na mapatunayan ng korte ay nakilalang sina Antonio Alto,construction worker at anak nitong si Mark Anthony.

Sa salaysay ng magkapatid sa pulisya na noong nakaraang Disyembre siya ay lasing na umuwi ng tahanan at nakatulog sa sofa.

Naramdaman niya na hinuhubaran siya ng kanyang kuya at nanlaban siya dito.

Subalit malakas ang kanyang kuya at nakuha ang makamundo nitong pagnanasa.

Napag-alaman pa una na siyang minolestiya ng kanyang ama noong nakaraang Nobyembre.

Nagpasiya lang siya ng magreklamo sa pulisya matapos malaman nitong nauna ng hinalay ng mga suspek ang kanyang tatlong kapatid. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments