^

Probinsiya

Chief of police todas, 2 tauhan grabe sa vehicular accident

-
Dead on arrival sa pagamutan ang isang hepe ng pulisya sa lalawigan ng isang bayan ng Pangasinan habang ang dalawa nitong tauhan ang malubhang nasugatan matapos aksidenteng bumangga sa puno ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng national highway ng bayan ng Camiling,Tarlac kamakalawa.

Ang nasawi ay nakilalang si P/Supt. Orlando Hilario,hepe ng Mangatarem PNP sa Pangasinan na nagtamo ng malaking sugat sa ulo at katawan.

Ang dalawa nitong tauhan na nasa malubhang kalagayan ay sina SPO3 Reynaldo Valenzuela at SPO1 Romulo Rosete na patuloy na inoobserbahan sa Camiling District Hospital.

Batay sa report,dakong alas - 12:45 ng madaling araw ay binabagtas ng mga biktima lulan ng Toyota Tamaraw FX (NYL-505) na pag-aari ni Mangatarem Mayor Nelson Cruz ang kahabaan ng national highway,Brgy.Palimbo ng nasabing lugar nang maganap ang aksidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng sasakyan dahil umano sa bilis nitong pagmamaneho.

Bunga nito ay sumalpok ang FX sa malaking puno at sa lakas ng pagkasalpok ay inararo nito ang isang palayan.

Humampas ang ulo ni Hilario sa matigas na bagay sa loob ng sasakyan maliban pa sa malulubhang sugat sa katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

BRGY

CAMILING DISTRICT HOSPITAL

JOY CANTOS

MANGATAREM MAYOR NELSON CRUZ

ORLANDO HILARIO

PANGASINAN

REYNALDO VALENZUELA

ROMULO ROSETE

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with