Sa inaprubahang resolusyon no. 2001-403 ng Committee on Good Government ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan na pinamumunuan ni Provincial Board member Ernesto Mendoza, pinatawan ng 60 araw na suspensyon si Bustos Mayor Carlito Reyes.
Si Reyes ay nahaharap sa kasong administratibo na isinampa ng apat niyang staff na pawang mga civil service elligible at permanent position holder.
Kabilang sa mga dininig na kaso laban kay Reyes ay grave abuse of authority, harrasment, oppression, grave misconduct in office illegal demunition in rank at paglabag sa Provision of Rules No. 17, Section 5 ng Resolution no. 91-1631, Rules of Implementing book 5 of Executive Order no. 292 na ipinatutupad ng Civil Service Commission (CSC).
Nag-ugat ang ipinataw na parusa kay Mayor Reyes makaraang magreklamo sina Liza Roque, Merlita Castro, Danilo Cruz at Crisanto Agapito na pawang may sampung taong naglilingkod bilang kawani ng nabanggit na munisipalidad.
Nagkabisa ang suspensyon ni Mayor Reyes noong nakaraang Disyembre 27, 2001. (Ulat ni Efren Alcantara)