Mag-ama mapuputulan ng kamay dahil sa paputok
January 3, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan May posibilidad na putulin ang kanang kamay ng mag-ama makaraang sumabog ang hawak na paputok na aktong ihahagis sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Barangay Lugam ng bayang ito.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas at inoobserbahan pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang mag-amang sina Joselito Rodriguez, 44 at anak nitong si John Paul, 11, ng nabanggit na barangay.
Sa isinumiteng ulat kay Bulacan PNP Provincial Director Edgardo Acuña, magkasabay na sinindihan umano ng mag-ama ang hawak nilang malalakas na paputok at aktong ihahagis subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumambulat ito na naging dahilan upang mawasak ang kanilang kamay. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 hours ago
Recommended