P19-M smuggled rice nasabat
January 2, 2002 | 12:00am
Tinatayang aabot sa Halagang P19 milyon na pinaniniwalaang smuggled rice mula sa Vietnam ang nasabat ng mga elemento ng Bureau of Customs (BoC) at Phil. Coast Guard (PCG) na idiniskarga sa pier Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Nabatid sa ulat ni PCG Intelligence Commanding Officer Cmdr. Luis Tuason, aabot sa 25,000 sako na lulan ng barkong M/V Beya patungong Dipolog City ang tangkang ipuslit subalit natunugan ng mga awtoridad.
Dahil sa walang maipakitang papeles ang may-ari ng nasabat na kargamento ay ipinag-utos naman ng pamunuan ng Bureau of Customs (BoC) sa Cagayan de Oro na ilagay sa kanilang pangangalaga ang nasabat na bigas habang nagsasagawa ng pagsisiyasat. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest