Ito ang naging babala ni Rep. Leovigildo Banaag base sa ulat ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) na ang palay na itinanim sa lupang kontaminado ng mercury ay nagiging depositories ng toxins o lason.
Ayon sa ulat ng UNIDO, 10 metric tons ang mercury ang napupunta sa Agusan River patungong Butuan City, Agusan del Sur sanhi ng pagmimina ng ginto sa nasabing lugar.
Ang Agusan River ang pinagkukunan ng tubig hindi lamang ng Agusan del Sur kundi maging ng Butuan City, Agusan del Norte at iba pang parte ng Bukidnon at Surigao.
Idiniin ni Banaag na dapat suriin kaagad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabing isyu dahil umaabot sa 10,000 metric tons ng bigas mula sa Agusan del Sur ang dinadala sa Kalakhang Maynila.
Hindi lamang ang Agusan del Sur ang may problema sa mercury kundi ang buong Eastern Mindanao ay may malawak na minahan ng ginto. (Ulat ni Malou R. Escudero)