^

Probinsiya

Dating 'bata' ni Lacson, inilipat sa Zambales

-
Inilipat na sa Zambales ang dinakip na dating hepe ng Special Reaction Unit ng Special Warfare Group (SWAG) ng Philippine Navy na si Lt. Junior Grade Don Anthony Miraflor makaraang makumpiskahan ng 100 C4 na mga eksplosibo noong nakalipas na Biyernes.

Sinabi ni Philippine Navy Chief, Vice Admiral Victorino Hingco, ang paglilipat kay Miraflor sa kanyang superior na si Commodore Jose Alberto Velasco ng Naval Education and Training Command sa Zambales ay habang isinasailalim pa ito at ang kanyang mga tauhan sa kasong administratibo dahil sa pagtatago ng nasamsam na mga eksplosibo.

Si Miraflor ay dati ring miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa pamumuno ni dating Chief at ngayo’y Senador Panfilo Lacson. Sinasabing hindi naisurender ng grupo ni Miraflor ang nasabing malalakas na uri ng pampasabog sa kabila ng pagkakabuwag sa PAOCTF.

Patuloy namang pinabubulaanan ng pamahalaan, matunog ang ulat na isa si Miraflor na pinagbibintangang nagpaplano ng kudeta laban sa administrasyong Macapagal-Arroyo.

Sa kabila nito, mainit pa rin ang usap-usapan sa Camp Aguinaldo na ang pagiging bahagi ni Miraflor sa nilulutong kudeta laban sa kasalukuyang administrasyon ang dahilan kung bakit ito dinakip. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

COMMODORE JOSE ALBERTO VELASCO

JOY CANTOS

JUNIOR GRADE DON ANTHONY MIRAFLOR

MIRAFLOR

NAVAL EDUCATION AND TRAINING COMMAND

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE NAVY CHIEF

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with