^

Probinsiya

Van ng governador nahulog sa bangin: 13 grabe

-
Labintatlo katao ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang L300 van na pag-aari ng isang gobernador habang bumabagtas sa matarik na baku-bakong daan sa kahabaan ng national road sa bayan ng Tabuk, Kalinga kamakalawa.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang sina PO3 Wilfredo Adora, driver; Dora Cawas, Rosenda Cornagon, Arman Alumani, Anselmo Villa, Ruth Daodawen, Virgilio Adora Jr., Victor Malaga, Alice Suguiyao, Johana Abuan, Romeo Bumosao, Grace Kidang at Leonora Bayle.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang sakuna bandang alas-10 ng umaga habang bumabagtas ang kulay berdeng L300 van na pag-aari ng Kalinga Governor Macario Duguiang na kinalululanan ng mga biktima sa makipot at matarik na daan sa kahabaan ng national road ng Sitio Ileb, Brgy. Nambaran, Tabuk, Kalinga.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng sasakyan matapos itong malubak hanggang sa tuluy-tuloy na mahulog sa may 30 metrong talampakang bangin.

Ilang mangangahoy na napadaan sa nasabing lugar ang sumaklolo at humingi ng tulong sa mga awtoridad para maisugod sa pagamutan ang mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

ALICE SUGUIYAO

ANSELMO VILLA

ARMAN ALUMANI

CAMP CRAME

DORA CAWAS

GRACE KIDANG

JOHANA ABUAN

JOY CANTOS

KALINGA

KALINGA GOVERNOR MACARIO DUGUIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with