Kuya pinasalubungan ng bala ni utol sa club
December 28, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang 58-anyos na lalaki matapos na barilin ng kanyang nakababatang kapatid na umanoy mga kamag-anak ni Mayor Angelito Gatlabayan, kamakalawa ng madaling araw sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Lorenzo Gatlabayan, ng C. Lawis St., Sitio Tagbak, Brgy. San Jose. Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng kalibre .9mm sa kanyang dibdib at kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC) sa Marikina City.
Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang kapatid nitong si Jose Gatlabayan, 56, ng Sitio Dela Birhen, Brgy. San Isidro, ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa tapat ng Fortune Nightspot sa may M.L. Quezon Avenue Extension, Brgy. San Roque.
Kalalabas pa lamang umano ng nakatatandang Gatlabayan sa loob ng naturang beerhouse nang salubungin ng kanyang kapatid at agad binaril. Mabilis itong tumakas nang bumagsak sa kalsada ang kanyang kuya dala ang baril na ginamit.
Ayon sa pulisya, meron umanong matagal nang alitan ang magkapatid na Gatlabayan ngunit hindi pa rin maliwanagan dahil sa ayaw umanong makipagtulungan ang mga kamag-anak. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended