^

Probinsiya

Opisyal ng militar pinagbabaril ng nag-amok na sarhento

-
Dead-on-the-spot ang isang opisyal ng AFP Southcom matapos bistayin ng bala ng isang nag-amok na sarhento sa naganap na madugong insidente sa loob mismo ng Camp Navarro, Zamboanga City nitong bisperas ng Kapaskuhan.

Kinilala ang nasawing si Chief Master Sergeant Roberto Aniban, Command Sergeant Major ng buong AFP Southcom matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib at tiyan.

Ang suspek ay nakilala namang si Technical Sergeant Damsani Pajari na agad ring nadakip ng mga operatiba ng military police at ng Sinunuc PNP matapos ang pamamaril sa kanyang opisyal.

Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Philippine Army Chief Lt. Jaime de los Santos, dakong alas-3:20 ng hapon kamakalawa nang biglang nag-amok si Pajari sa headquarters ng Service Company kung saan nakabase ang tanggapan ni Aniban.

Nabatid na nasa impluwensiya ng alak ang suspek nang dumiretso sa opisina ni Aniban.

Agad umanong binunot ni Pajari ang kanyang kalibre .45 pistol at walang sabi-sabing pinaputukan ng sunud-sunod si Aniban.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng Southcom Military Police at tinangkang dalhin ang biktima sa Zamboanga General Hospital subalit huli na ang lahat.

Lumalabas naman sa pangunang pagsisiyasat na lubhang naapektuhan ang pag-iisip ng suspek dahil na rin sa kinasasadlakang problema sa pamilya na siyang hinihinalang sanhi ng pag-amok nito.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban kay Pajari kasabay na rin ng pagsailalim nito sa court martial proceedings. (Ulat ni Joy Cantos)

ANIBAN

CAMP NAVARRO

CHIEF MASTER SERGEANT ROBERTO ANIBAN

COMMAND SERGEANT MAJOR

JOY CANTOS

PAJARI

PHILIPPINE ARMY CHIEF LT

SERVICE COMPANY

SOUTHCOM

SOUTHCOM MILITARY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with