Mag-utol tiklo sa pananapak ng pulis
December 23, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Dahil sa pagkalango sa alak ay nagawang pagtulugang sapakin ng mag-utol na lalaki ang isang tauhan ng pulisya sa loob mismo ng Hagonoy PNP station kamakalawa ng gabi na nagresulta upang makalaboso ang dalawa.
Kinasuhan ng mga tauhan ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña sina Angelo, 33, may asawa at kakambal na si Lito Dizon, binata at kapwa residente ng Mary the Queen Homes Subd. sa Brgy. San Sebastian ng bayang ito.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, biglang pumasok ng himpilan ng pulisya ang magkapatid na lango sa alak dakong alas-11 ng gabi at nagsisigaw na may hinahanap na pulis.
Namataan ng dalawa si SPO1 Rolando Ronquillo na gumagawa ng ulat tungkol sa banggaan ng sasakyan na ang gamit ay typewriter.
Kaagad na nilapitan ng senglot na mag-utol si Ronquillo saka hinaltak ang papel na nakasubo sa makinilya saka pinunit.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, hindi na nakaporma pa si Ronquillo dahil sa pinagtulungang suntukin ng magkapatid subalit natigil lamang ang pangyayari nang mag-warning shot si PO2 Benjamin Balatbat bago dinakip ang kambal. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest