3 inaresto sa pagpatay sa lola

CALABANGA, Camarines Sur – Tatlong kalalakihan na pawang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang lola noong nakaraang Disyembre 15 sa Brgy. Binawaanan ang nasakote ng mga kagawad ng Calabanga pulis sa Sitio Tawang, Brgy. Fabrica sa bayang ito kahapon.

Kasalukuyang nakapiit ngayon ang mga suspek na sina Woodrobe Delos Santos, 20, binata; Diego Avila, 20, binata; at Rogelio Delos Santos, 35, may asawa na pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa pulisya, nadakip ang mga suspek dakong alas-5:25 ng madaling- araw sa pinagtataguang safehouse at nakumpiska sa mga suspek ang ilang armas na ginamit sa panghoholdap.

Magugunitang pinatay ng mga suspek ang biktimang si Resureccion Barrios, 65, habang bumababa ng tricycle kasama ang anak na si Alejandro Barrios dakong alas-6:30 ng gabi. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments