Tinawag na Alamara group ang bagong tatag na vigilante na pinagmamalaking may supernatural powers dahil sa hindi umano tinatablan ng bala mula sa malalakas na kalibre ng armas ng mga rebelde.
Ang grupo ng Alamara ay may armas lang na itak, pana, machetes at sibat na panlaban sa mga rebeldeng NPA.
Ipinagtanggol naman ni Army Col. Eduardo del Rosario, commanding officer ng 73rd Infantry Battalion na nakabase sa Malagos District ng nabanggit na lungsod, ang Lumad fanatic group ay bagong puwersa na magiging epektibo sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa Bukidnon, Davao City, North Cotabato at Davao del Norte.
Namangha rin si Del Rosario sa ipinamalas na katapangan ng grupo ng Alamara na kahit walang malalakas na armas ay makikipagsagupa pa rin sila sa NPA.
Suportado naman ng tropa ng militar ang nabanggit na grupo at kasalukuyang nagsasagawa ng pagsasanay ang ibat ibang grupo partikular na ang Alamara upang palakasin ang depensa sa mga kanayunan laban sa insureksyon. (Ulat ni Edith Regalado)