Trader dinedo sa sariling bahay
December 18, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kilalang negosyanteng lalaki ng nag-iisang miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang naghahanda ng katutubong pagkain sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Cadayonan, Brgy. Barorao, Balabagan, Lanao del Sur.
Kinilala ng pulisya ang biktima na tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan na si Motic Macaundas, 23-anyos ng nabanggit na barangay.
Sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga habang ang biktima ay naghahanda ng pagkain nang biglang pumasok ang killer at sunud-sunod na nagpaputok saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)
IBA, Zambales May posibilidad na onsehan sa droga ang naging ugat ng kamatayan ng isang 40-anyos na trike driver matapos na pagtulungang barilin at saksakin ng tatlong hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang minamanehong tricycle sa Brgy. Zone 5 ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Juanito Totol at residente ng Bagong Kalsada, Brgy. Palanginan ng naturang lugar.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa loob ng tricycle bandang alas-8 ng gabi na tadtad ng saksak ng patalim at mga tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm. (Ulat ni Erickson Lovino)
CALABANGA, Camarines Sur Hindi na pinatawad ng tatlong kalalakihang mandurugas ang isang 65-anyos na lola dahil sa pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap mismo ng sariling anak saka pinagnakawan habang bumababa sa sinasakyang tricycle sa Brgy. Binanwaanan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na dead-on-the-spot ay nakilalang si Resureccion Barrios, isang negosyante, samantala, ang anak na lalaki naman na hindi tinamaan ng bala ng baril ay nakilalang si Alejandro Barrios, 44, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Naganap ang pamamaslang sa biktima bandang alas-6:30 ng gabi habang bumaba ang biktima sa harap ng sariling bahay saka kinuha ang dalang bag na pinaniniwalaang may lamang malaking halaga. (Ulat ni Ed Casulla)
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 55-anyos na negosyanteng babae makaraang gulpihin saka pagbabarilin ng mga hindi kilalang holdaper makaraang tumangging ibigay ang maghapong kinita sa tindahan sa Calle Pagi, Descuatan, Toril, Davao City kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.
Nasa San Pedro Hospital ang biktimang si Lucita Asuncion ng nabanggit na barangay, samantala, ang mga suspek na hindi kaagad nakilala ay mabilis na nagsitakas matapos tangayin ang hindi pa mabatid na halaga ng pera.
Sa ulat mula sa Camp Crame, dakong ala-1:20 ng hapon nang magpanggap na bibili ang mga mandurugas sa tindahan ng biktima saka tiyempuhang isinagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)
Kinilala ng pulisya ang biktima na tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan na si Motic Macaundas, 23-anyos ng nabanggit na barangay.
Sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga habang ang biktima ay naghahanda ng pagkain nang biglang pumasok ang killer at sunud-sunod na nagpaputok saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Juanito Totol at residente ng Bagong Kalsada, Brgy. Palanginan ng naturang lugar.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa loob ng tricycle bandang alas-8 ng gabi na tadtad ng saksak ng patalim at mga tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm. (Ulat ni Erickson Lovino)
Ang biktima na dead-on-the-spot ay nakilalang si Resureccion Barrios, isang negosyante, samantala, ang anak na lalaki naman na hindi tinamaan ng bala ng baril ay nakilalang si Alejandro Barrios, 44, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Naganap ang pamamaslang sa biktima bandang alas-6:30 ng gabi habang bumaba ang biktima sa harap ng sariling bahay saka kinuha ang dalang bag na pinaniniwalaang may lamang malaking halaga. (Ulat ni Ed Casulla)
Nasa San Pedro Hospital ang biktimang si Lucita Asuncion ng nabanggit na barangay, samantala, ang mga suspek na hindi kaagad nakilala ay mabilis na nagsitakas matapos tangayin ang hindi pa mabatid na halaga ng pera.
Sa ulat mula sa Camp Crame, dakong ala-1:20 ng hapon nang magpanggap na bibili ang mga mandurugas sa tindahan ng biktima saka tiyempuhang isinagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
10 hours ago
Recommended