Trader at obrero dinedo ng kapitbahay

MONREAL, Masbate – Dalawa katao kabilang ang isang negosyante ang iniulat na binistay ng bala hanggang sa mapatay ng kanilang kapitbahay na lalaki habang ang mga ito ay sakay sa motorsiklo at binabagtas ang kahabaaan ng Almodal St., Brgy. Poblacion sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na kapwa dead-on-the-spot sanhi ng maraming tama ng bala ng bala sa katawan ay sina Jayson Ting, 28, may asawa, negosyante at Homer Yusi, 21, binata, obrero na kapwa residente ng Brgy. Hermosa.

Nakilala naman ang suspek na si Glen Gutierrez, 32, jobless na ngayon ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments