^

Probinsiya

Mag-amang na opisyal ng BJMP ginulpi ng mga bagets

-
ANTIPOLO CITY – Tatlo sa anim na mga kabataang estudyante ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y panggugulpi sa isang retiradong Heneral ng BJMP at sa anak nitong babae na tinyente, kamakalawa ng madaling araw.

Sinampahan na ng kasong serious physical injuries at attempted homicide ang mga suspek na sina Joselito Torreliza, 22, ng Project 4, Quezon City; Oliver Cumilog, 21, ng Yale St., Cubao, Quezon City; at si Jason Cruz, 23, ng Town and Country Subdivision, Brgy. Mayamot, ng lungsod na ito, at pawang mga mag-aaral ng Technological Institute of the Phils. (TIP).

Kinilala naman ng pulisya ang mag-amang biktimang sina Retired Chief Supt. Leopoldo Morente, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at anak niyang si P/Insp. Ethel Jane Morante, kasalukuyang jailwarden ng Antipolo City Jail.

Sa ulat ng pulisya, binabagtas umano ng mag-ama kasama ang isang Rey Ferrolino sakay ng isang taxi ang kahabaan ng Marcos Highway patungong Cogeo dakong ala-1 ng madaling-araw ng isang plastic cup na may lamang softdrinks ang biglang ibinato sa windshield.

Naging sanhi ito upang mataranta at mawalan ng kontrol. Dito galit na inutusan ng matandang Morante ang driver na balikan ang grupong nakaistambay at kanyang binaba upang pagsabihan.

Subalit nasalubong ng mga suspek ang matanda saka ginulpi kasama ang anak na babae.

Ayon pa sa ulat, natigil na lamang ang panggugulpi sa mag-ama nang bumaba na ang kasama ng mga biktima at magpaulan ng bato. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY JAIL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DANILO GARCIA

ETHEL JANE MORANTE

JASON CRUZ

JOSELITO TORRELIZA

LEOPOLDO MORENTE

MARCOS HIGHWAY

OLIVER CUMILOG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with