Base sa ulat ng DOLE, 86 na pabrika na nagsara ay mula sa special economic zone. Samantala, ang 231 naman ay sa ibat ibang lugar sa Central Luzon na nagresulta upang maapektuhan ang may 20, 892 trabahador.
Ayon pa sa ulat ng DOLE, aabot sa 5,930 obrero ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang pinapasukang pabrika; 5,702 naman ay permanenteng na-layoffs at ang 7,620 bilang ng trabahador ay pansamantalang na-layoffs.
Nangunguna sa pinakamaraming pabrika at kompanya na nagsara ay mula sa Clark Special Economic Zone (CSEZ), sumunod ang Subic Bay Freeport, samantala, ang ikatlo ay sa Bataan Export Zone sa Mariveles at Luisita Industrial Park sa Tarlac. (Ulat ni Ding Cervantes)