Pabrika ng paputok sumabog: 1 patay, 4 kritikal
December 3, 2001 | 12:00am
BOCAUE, Bulacan Isa katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang illegal na pabrika ng paputok sa Daang Riles, Brgy. Igulot sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Binawian ng buhay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Dahlia Torpe, 16, samantalang ang grabeng nasugatan ay nakilalang sina Nida Valenzuela, 24; Loretta Miguellas, 29; Rolly Aloc, 24 at ang ina ng nasawing biktima na si Adelaida, 57, na pawang mga residente ng naturang barangay.
Positibong kinilala naman ng pulisya ang may-ari ng illegal na pabrika ng paputok na si Mylene Paminiano.
Nabatid sa inisyal na ulat ng pulisya, sa hindi mabatid na dahilan ay biglang sumabog ang ginagawang mga paputok ng mga biktima bandang alas-10:15 ng umaga.
May teorya ang pulisya na hindi pa masyadong bihasa ang mga biktima sa pagbabalot ng malalakas na paputok kaya sa hindi inasahang pagkakataon ay sumabog ang kinalalagyan ng mga sangkap na palbura ng firecrackers. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest