Retiradong heneral ng PN nahulog sa barko
December 2, 2001 | 12:00am
Isang retiradong heneral ng Philippine Navy ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos na aksidente itong mahulog sa barkong kanyang sinasakyan habang naglalayag sa karagatan ng Dumaguete City, kamakalawa.
Ang pinaghahanap na biktima ay kinilalang si Ret. Commodore Juanito Trayumfante Veridiano, 67.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Philippine Navy Headquarters, pinaniniwalaang naganap ang pagkahulog ng biktima sa sinasakyan nitong barkong M/V Filipinas Dinagat sa pagitan ng alas-3 at alas-4 ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, dakong 4:15 ng madaling-araw habang ang nasabing barko ay naglalayag na sa bahagi ng Cabilao Island, Loon, Bohol nang magising ang asawa ng biktima na pasahero ng barko na wala na sa tabi niya ang kanyang asawa samantalang natulog siyang nakamasid lang ito sa karagatan.
Ginalugad umano niya ang barko katulong ang mga crew nito pero nabigo silang matagpuan ang biktima.
Ayon naman sa salaysay ng ilang pasahero na malapit sa kinaroroonan ng mag-asawa, nakarinig sila ng malakas na kalabsaw ng tubig sa karagatan pero hindi nila ito pinansin sa pag-aakalang pating na pinaniniwalaan naman nang mismong mahulog ang biktima sa karagatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest