^

Probinsiya

Lalaki nagpakasal sa nakaburol na nobya

-
IBA, Zambales – "Kahit wala na siya sa buhay ko, siya pa rin ang aking mamahalin habang ako ay nabubuhay."

Ito ang madamdaming pahayag ng 22-anyos na lalaki na nagpakasal noong nakalipas na Sabado sa kanyang nakaburol na nobya sa kanilang tahanan sa Purok 3, Brgy. Palanginan ng bayang ito.

Labis na pangungulila ang nadarama ni Jeffrey Abraham, dating SBMA-police, tubong Hermosa, Bataan, sa tuwing pagmamasdan nito ang kanyang nobyang nakahimlay na si Edilyn Arquillo, 24.

Napag-alaman na dalawang araw bago itakda ang kanilang kasal noong Nobyembre 24 ay namatay naman si Edilyn noong Nobyembre 22 sa piling ng nobyo makaraang dumanas ito ng matinding pagsusuka sa hindi malamang kadahilanan.

Kahit na nakaburol ang nobya ay itinuloy pa rin ni Jeffrey ang magpakasal sa nasabing itinakdang araw ng kanilang kasal na sinaksihan ng mga nakiramay at maging ang mga kinuhang ninong at ninang.

Dalawang taon nagsama sina Jeffrey at Edilyn na nabiyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang si John Paul Kenneth, na 5 buwan gulang bago sila nagpasyang magpakasal.

Ang tanging nasabi ni Jeffrey na ang kanilang anak ay ang magandang alaalang iniwan sa kanya ni Edilyn. (Ulat ni Erickson Lovino)

vuukle comment

BRGY

DALAWANG

EDILYN

EDILYN ARQUILLO

ERICKSON LOVINO

JEFFREY

JEFFREY ABRAHAM

JOHN PAUL KENNETH

KAHIT

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with