^

Probinsiya

GMA gustong mapiit si Misuari sa Malaysia

-
Mariing sinabi kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mas nanaisin pa niyang manatili sa kulungan ng Malaysia si renegade ARMM Governor Nur Misuari kaysa agad na ipa-deport sa bansa na may kinakaharap na kasong rebelyon.

"Kailangan munang imbestigahan ng mga awtoridad ng Malaysia si Misuari sa kanyang ginawang paglabag sa batas dahil sa illegal na pagpasok sa kanilang teritoryo at sampahan ng kaukulang kaso", pahayag pa ng Pangulong Arroyo.

Gayunman, sinabi naman ni Malaysian Deputy Premier Abdullah Ahmad Badawi na hindi na nila kakasuhan ng illegal entry at kinakailangan i-deport si Misuari sa Pilipinas upang hindi sila akusahan ng "harbouring him" at pakikialam sa internal affairs ng bansa.

Pinabulaanan naman ng Malacañang ang kumalat na maling balita na inarbor ng Organization of Islamic Conference (OIC) si Misuari na umano’y dinala na sa Dubai mula sa Malaysia.

Sa pahayag naman ni Malaysia’s police chief Norian Mai na may binabalak na planong ipa-deport si Misuari upang maiwasan ang anumang banta sa kanilang national security.

Si Nur Misuari kasama ang kanyang anim followers ay illegal na pumasok at nasakote ng Malaysian authority noong Sabado sa Jampiras island.

Ang Jampiras island ay malapit lamang sa bansa at may 30 minuto ang biyahe ng bangka mula sa bayan ng Sandakan, Sabah sa hangganan ng karagatan ng Pilipinas-Malaysia. (Ulat nina Ely Saludar at Jhay Mejias)

ANG JAMPIRAS

ELY SALUDAR

GOVERNOR NUR MISUARI

JHAY MEJIAS

MALAYSIAN DEPUTY PREMIER ABDULLAH AHMAD BADAWI

MISUARI

NORIAN MAI

ORGANIZATION OF ISLAMIC CONFERENCE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SI NUR MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with